"AGIMAT at BERTUD"
Ang "Agimat at Bertud" ay katutubong katawagan sa natural power na galing sa kalikasan na tulad ng "Mutya". Ang lahat ng Mutya ay nanggagaling sa kalikasan at may kanya-kanyang taglay na kapangyarihan..... Ngunit kadalasan ang "Mutya" ay nagbibigay ng proteksiyon o iwas sa mga disgrasiya sa may taglay nito. Mayroon ding "Mutya" na bukod sa pangontra sa mga evil spirits at masasamang tao ay iwas din sa disgrasiya at pangpasuwerte sa buhay. Sa madali't sabi pangkalahatan ang bertud nito.
Sang ayon po sa aking lolo na isa rin dating "Antingan'' at namatay siya sa edad na 98 years old, kung ang tao ay dapat na maligo ng tubig upang mabuhay.... ang "Mutya" naman upang lagi siyang buhay ay dapat din na mabasa ng tubig o paliguan o ibabad sa isang basong tubig ng mga 15 hanggang 30 minuto, at ito'y gawin tuwing biyernes. Kung nasa probinsiya naman po kayo ay mas pabor sa "Mutya" kung tubig na galing sa malinis na ilog o kaya naman sa poso ang gagamitin. Ngunit kung nasa siyudad naman kayo ang tubig na galing sa gripo ay pwede na rin gamitin basta't pwedeng inumin. Pagkatapos ibabad ang mutya sa isang basong tubig ay inumin ito.
Ang "MUTYA" ay pwede rin na lunukin (subo) kung maliit lamang o ibaon sa katawan, pero kadalasan ay dalhin lamang sa katawan sa pamamagitan ng supot na pulang tela at gawing kuwentas o kaya naman ay itali sa baywang. BABALA: iwasang ipahipo o ipakikita sa iba ang "Mutya".
Mayroon ding mga "Agimat at Bertud" na gawa sa "Medalyon", "Talandro” o panyong puti o pula na may imahe at may nakasulat na oraciones, o kaya sa papel o inuukit sa kahoy, sa metal o maging sa bato. Subalit ang mahalaga po dito ang patungkol dito ay dapat na soledo sa debosyon sa kanya-kanyang nauukol na Orasyon o dasal sa pamamagitan ng Latin, Aramaic o Hebrew. Mahalagang dapat ay kumpleto ang Susi, Panawag at Poder. Sa simula pa lamang ng pagtataglay nito ay dapat na dasalan ito ng 7-biyernes na sunod-sunod na araw, sa madaling sabi sa kabuoan ay 49 na araw. Dapat na magsimula sa araw ng Unang biyernes ng ano mang buwan. Kung kayo po ay pumatlang ng kahit na isang araw lamang sa loob ng 49 na araw, dapat ay umulit uli at mag-umpisa sa unang biyernes. Sa madali't sabi dapat na makumpleto ang 49 araw na sunod-sunod hanggang marating ang ika 49 na araw. Kung natapos na ang 49 na araw, ay dapat na dasalan debosiyonan parin ito tuwing araw ng biyernes kahit na anong oras subalit mas maganda kung sa umaga gawin. Ganito po ang gagawin kahit saan mang lugar kayo naroon huwag lamang po sa kubeta o sa mga bahay aliwan... hawakan ng kamay at ilapit sa inyong bibig habang binabanggit mo ang Poder at panawag at saka ihuli ang susi sabay hinga sa hawak mong agimat. Sa biglaang pagkakataon naman ay banggitin lamang ang "SUSI" at ang taglag ninyong Agimat ay aandar na. Iwasan lamang po na ito'y gamitin sa panglalamang sa kapwa, dahil bawat ginagawa nating masama sa kapwa ay may katumbas na "BAD KARMA". Tandaan lamang po na ang pagtataglay ng "AGIMAT O BERTUD" ay pang proteksiyon lamang o pananggalang sa ating katawan.
Sa ngayon sa modernong mundo na ating kinabibilangan, bagamat marami na ang naging pagbabago sa konteksto ng Agimat, ginagamit pa rin ito sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga taong nananalig dito. Sa mga katha at relihiyon, ang agimat ay iniuugnay sa isang tao at sa kanyang mga ideya ukol sa pamumuno, kapangyarihan, nasyonalismo at rebolusyon.
Ang pinagmulan nang paggamit ng Agimat ayon sa mitolohiya ay nagmula pa bago dumating ang mga Kastila at ang Katolisismo. Ang pagsamba ng mga sinaunang Pilipino ay nakasentro sa mga espiritu, anito at mga diyos, kung saan si Bathala ang pinakamataas. Ang ganitong buhay ispirituwal ang nagbigay ng iba’t ibang paniniwala ukol sa agimat at sa mga kapangyarihang nilalaman nito.
Sa pagdating ng Katolisismo ay nadagdagan pa ang mga mahiwaga at paganong elemento na hinaluan ng mga relihiyosong katauhan at konsepto gaya ng Ispiritu Santo, Santisima Trinidad, Sagrada Familia, Virgen Madre, ang Mata, at iba pa na naidagdag sa kredo ng agimat.
Sa rebolusyon at digmaan, naging mahalaga ang agimat bilang bahagi ng armas pang-digmaan. Pinaniniwalaan na ang laman nitong ispirituwal at mahiwagang kapangyarihan ay magbibigay ng walang-hanggang lakas, proteksyon, at kagalingan.
Noong Rebolusyon ng 1896 laban sa Espanya, ginamit at taglay ni EMILIO AGUINALDOang Agimat na Medalyon at Panyo ng Santisima Trinidad. Si ANDRES BONIFACIOay Medalyon at panyo ng Santiago de Galicia (Birhen del Pilar), at si ANTONIO LUNAMedalyon at panyo ng Virgen Madre. Karamihan sa miyembro ng Katipunan ay mayroong mga Agimat at Bertud.
Sa Cavite na kilalang bayan ni Senador Ramon Revilla Sr., isang batikang Pilipino actor ay isinapilikula niya ang true to life story ng mga taong nagtaglay ng “Agimat at Bertud” sa bayan ng Cavite na sila:
LEONARDO MANICIO ng Imus Cavite as “Nardong Putik” na ang taglay na agimat ay Medalyon at panyo ng Triangulong “AAA” at mutya ng lupa-isang maliit na batong kulay pula.
SANTIAGO RONQUILLO ng Imus Cavite as “Tiagong Akyat” na ang taglay na agimat ay Medalyong 7-Arkangeles at pangil ng kidlat.
EDUARDO SET as “Kapitan Eddie Set” na isang Bario Captain ng Silang Cavite na ang taglay na Agimat ay Medalyong kalog ng Infinito Deus na lagpasan.
EDUARDO BERGADO ng Imus Cavite as ‘’Bergado Terror ng Cavite” na ang taglay na Agimat ay "subo" na mutya ng kahoy na Sinukuan na isang maliit na batong kulay puti.
DOMINGO SANTIAGO ng Imus Cavite as “Kapitan Ingo kumakain ng bala” na ang taglay na Agimat at Bertud ay Panyo ng SATOR at ngipin ng kidlat.
MAYOR PATROCINIO GULAPA ng Maragondon Cavite as “Gulapa Barakong Mayor ng Maragondon” na ang taglay na Agimat at Bertud ay ngipin ng kalabaw sa unang lagas at mutya ng isda.
>mangyan<
>mangyan<